Bakit ba pinipigilan ng Simbahang Katoliko ang pagpasa ng RH Bill? Kapag naipasa naman iyon ay nasa tao pa rin kung ano ang pipiliin nila, nangyari lang na mas may access na sila sa mga bagay na maaaring magpalaki ng bilang ng mga taong nagtatalik kahit hindi pa sila kasal o pakikipagtalik sa ibang tao maliban sa kanilang asawa, o kaya ay abortion. Pero kung titignan natin kung saan ito nagsimula, hindi ba ito dahil sa kakulangan ng pagtuturo ng Simbahan sa moralidad ng mga tao. Kung sila ay sana naging epektibo lamang sa pagpapaalam ng kung ano ang mali sa tama hindi sana nangyayari kung ano man ang nabanggit kanina.
Hayaan na lang sana ng Simbahan na gawin ng Gobyerno ang dapat nilang gawin para sa ikabubuti ng mga Pilipino at Pilipinas kahit lumipas man ang isang daang taon, at nawa’y ang Simbahan ay gampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang mensahero ng Diyos.
No comments:
Post a Comment