Bago po ang lahat, hayaan nyo po sana akong ipakilala ang aking sarili. Isa po akong Pilipino pero kahit masaya ako sa aking pagkaPilipino dahil ika nga nila “It’s more fun in the Philippines” at marami po tayong pandaigdigang kampiyon sa kahit anumang larangan, hindi ko po maiiwasan na maakit sa ibang nasyon at sa kanilang kultura. Ang ibig ko pong sabihin ay hindi lang po OPM ang pinakikinggan ko. Nakikinig rin po ako ng mga kantang Ingles, Instik, Hapon, Koryano, at iba pang wika. Kaya masasabi ko po na marami na po akong natunghayang pagtatanghal sa mundo sa pamamagitan ng internet at may ideya ako sa pagkakaiba sa mga musika nila at kung bakit unti-unti na pong nawawala ang interes ng mga Pilipino sa musika na sariling atin. Hindi man po pinakamagandang wika ang Filipino sa pandinig ko at pandinig ng mga dayuhan pero sa aking palagay ay pagdating sa mga kantang ballad, Filipino ang pinakamasarap pakinggan dahil galing po ito sa puso talaga. Diba sa mga kantang ballad ho tayo talaga nakilala dahil marami tayong magagaling ng Pilipinong mang-aawit ng ballads. Pero bakit po ba naging malaking isyu ngayon ang pagbuhay sa OPM?
Maraming nagsasabi na patay na raw ang OPM, ngunit sa palagay ko, “Hindi pa patay ang OPM pero wala na itong buhay.” Alam kong todo-todo ang pangangampanya ngayon ng mga OPM artists para manumbalik ang sigla ng industriya ng ating musikang Pilipino. Pero naisip ba nila kung ano ba talaga ang gustong marinig at matunghayan ng bawat Pilipino sa bawat Pilipinong mang-aawit?
Maraming palabas ngayon sa telebisyon, at sa bawat palabas may entablado para sa mga mang-aawit. At sa bawat pagtatanghal nila, ang karaniwang kinakanta nila ay hindi mga kantang natatagpuan sa kanilang mga plaka kundi mga kanta ng ibang mang-aawit, lokal o dayuhan. Pero kahit sa mga plaka nila, ang maririnig natin palagi ay mga bersyon nila ng mga kanta ng ibang mang-aawit o kahit ng mga kantang nai-release na nila at binibigyan na lamang ng bagong panlasa, kaunti na lamang ang orihinal talaga. Hindi po ba nakakasawa na parati na lang ganun ang naririnig natin. Syempre gusto din naman natin marinig ang mga klasikong kanta nila pero mas mabuti ho siguro kung may maipapakita silang bago sa pandinig natin. Kaya tama ba na sa pagbuhay ng musikang Pilipino na puro revivals o remakes ang maririnig natin sa plaka ng bawat mang-aawit? Naisip ba nila na sa pagbuhay ng OPM sa pamamagitan ng revivals, ay pinapatay naman nila ang mga bagong henerasyon ng mga kumposer? Buti na nga lang may mga banda tayo na kahit hindi natin sila madalas makita sa telebisyon ay patuloy pa rin sila gumagawa ng mga kanta, hindi tulad ng mga mang-aawit na palagi na lang natin nakikita sa telebisyon na kung saan sila ang may mas malaking naiimpluwensyahan ay hindi magawang maging isang magandang ihemplo para sa mga kabataan na gustong magbigay din ng kontribusyon sa OPM.
Alam kong maraming talentadong Pilipinong musikero, hindi lang nabibigyan ng pagkakataon. Hindi ko naman din hinihiling na gayahin natin ang ibang nasyon, okay lang kung puro ballads at rock lang ang naririnig ko dahil iyon ang tatak ng OPM pero hindi rin masama ang magkaroon ng barayti sa ating musikang Pilipino.
Bigyan sigla po natin ulit ang OPM ngunit hindi po sa pamamagitan ng pagrevive dito kung hindi ang pagbibigay ng bagong buhay dito at hayaang humayo at magpakarami.

No comments:
Post a Comment