Kelan ba natin pwedeng tawaging Pinoy Pride ang isang Pilipinong may natanggap na pandaigdigang karangalan o papuri?
Para sa akin, pwede lang nating tawagin ang isang Pilipino na Pinoy Pride kung siya mismo ay taas noong pinagmamalaki na isa siyang Pilipino at ang kanyang ginawa at parangal ay inihahandog niya para sa kapwa Pilipino nya at sa bansang Pilipinas. Kaya kung hindi man ito ang iniisip o nararamdaman ng isang Pilipinong nagtagumpay sa ibang bansa, eh bakit pa natin siya ipagmamalaki kung tayo din naman ay hindi niya pinagmamalaki?
P.S. Kahit man maraming banyaga ang ayaw na marinig ang mga salitang “Pinoy Pride”, hindi natin maikakaila na maraming Pandaigdigang Kampiyon at Bayani ang galing sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment