Thursday, April 11, 2013

Nanaman

Nakasalubong nanaman kita
Tibok ng puso ay bumibilis
Sa ngiti mo, mundo'y tumitigil
Ako ay hindi na makahinga

Sana bukas nariyan ka ulit
Araw ko'y kumpleto tuwing ika'y
Masilayan kahit sa malayo
Ako ay kinikilig ng sobra

Ngunit isang araw nawala ka
Nag-iba na pala ang address mo
Araw ko ay hindi na kumpleto
Tulog ko ay hindi na maganda

Sana bukas nariyan ka ulit
Araw ko'y kumpleto tuwing ika'y
Masilayan kahit sa malayo
Ako ay kinikilig ng sobra


Nakasalubong nanaman kita
Tibok ng puso ay bumibilis
Pero ngayon sasabihin ko na
Mahal na mahal kita! I Love You!

No comments:

Post a Comment