Saturday, March 9, 2013

May Kultura at Tradisyon pa ba ang Pilipinas?

Maraming tribo sa Pilipinas, at bawat isa sa mga ito ay may sariling kultura at tradisyon. Pero nakakalungkot nung may napanood akong isang dokumentaryo sa telebisyon, sinabi nung iniinterbyu na walang interes na makilala ng mga bata ang kultura at tradisyon nila, para bang ikinahihiya nila kung ano sila, at mas gusto pa nilang mag-aral. Ang taong iyon ay ang natitira na lamang sa tribo nila na nakakaalam paano manahi ng tradisyonal nilang kasuotan.

Naisip ko, ano nga ba ang ginagawa ng gobyerno o kung sino man ang namamahala sa mga ganitong bagay? Dahil ba sa sobrang pagtitipid nila at nais na paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas, nakakalimutan na nilang may unti-unting nawawala o namamatay na mga kinagisnan na natin? Alam kong hindi ko pwedeng sisihin ang globalisasyon dahil laganap naman iyon sa buong mundo, sana lang ay bigyan din ng gobyerno natin ng pansin ang mga Pilipinong kultura at tradisyon. Kung maaari nga ay sa pagbibigay nila ng scholarships, ay isama nila sa mga tungkulin kung sino man ang makakatanggap ang aralin ang kultura at tradisyon ng isang tribo, lalo na yung galing mismo sa isang tribo. O kaya ay sumulat sila ng libro tungkol sa mga tribong ito, kasama ng isang manual, para hindi makalimutan ng tao ang mga tradisyon nito. Maganda rin siguro kung may museo para ditto.


Sa panahong ito, kung saan mas nagugustuhan na ng mga Filipino ang kultura ng ibang bansa, may pag-asa pa ba ang Pilipinong kultura at tradisyon?

No comments:

Post a Comment